Tuesday, 2025-02-11, 5:01 AM
Main Sign Up RSS
Welcome, Guest
Site menu
Writing to Cash
Section categories
Statistics

Total online: 4
Guests: 4
Users: 0
Login form
Search
Money on Surveys
Advertisement
Main » Articles » PHILIPPINE VOLCANOES

PH team pasok sa malaking rugby competition sa 2012

SOURCE: ABS-CBNNEWS.COM

Masaya ang Philippine rugby team na kilala bilang Volcanoes sa pagdating sa Maynila mula sa first runner-up finish sa Borneo 7's tournament sa Kota Kinabalu.

Underdog sila sa kompetisyon, pero tinalo nila ang mga bigating bansa tulad ng Kazahkstan, United Arab Emirates at Malaysia.

Ang ikinagulat naman ng lahat ay ang tagumpay nila sa China sa semi-finals.

Ani Jake Letts, "They had to do what we had to do. They had to make it to the top four to make it to the Hong Kong 7’s. Us boys, we got them in their own turf and it was a surprise for everybody.”

Talo sila sa Japan sa finals, pero dahil sa puntos, pasok ang Pilipinas sa itinuturing na World Cup ng rugby—ang Hong Kong 7's—sa March 2012.

First time na nag-qualify ang Pilipinas sa prestihiyosong rugby competition.

"Iba talaga ‘yung feeling kapag ni-represent mo ‘yung country mo. Iba ‘yung feeling, ang sarap,” sabi ni Andrew Wolfe.

Karamihan sa mga Volcanoes ay nanggaling pa sa Australia, England at Italy. Nagbayad sila ng sarili nilang pamasahe para lang makasali, pero sulit naman daw ito.

Ayon kay Joe Matthews, "To do this with such a great bunch of guys is [worth it]. As a Filipino, [if you] people get to know the Volcanoes, you’ll see they’re really, really good guys.”

"Salamat po for supporting us. You know when you all tweet, you follow us on Facebook, we read each one of those,” sabi naman ni Chris Everingham.

Bumiyahe naman kaninang umaga ang Philippine football team Azkals papuntang Kaoshung, Taiwan para sa Long Teng Cup.

Sa Biyernes ang unang game nila kontra defending champion Hong Kong.

Sa susunod na mga araw, makakalaban nila ang Chinese Taipei at Macau.

Umaasa ang team na maipapanalo ang Long Teng Cup para tumaas ang kanilang FIFA ranking.

Mapapanood ang mga game ng Azklas sa Long Teng Cup sa Studio 23 at Balls channel.Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

Category: PHILIPPINE VOLCANOES | Added by: homer0502 (2011-09-29)
Views: 830 | Comments: 1 | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
Name *:
Email *:
Code *: